Saturday, June 25, 2005

Umaga. Maaga. Ang Aga.

maaga. maaga akong nagising at gumayak para sa eskwelahan. alas-siete pa lang gising na ako sapagkat marami pang bagay na dapat ayusin - ang pinagtulugan, ang uniporme at ang almusal.
maaga. maaga akong natapos. pasado alas-otso, nakuha ko pang basahin ang ilang pahina ng babasahin sa environmental politics at kaunting pahina ng warrior of the light ni paolo coehlo habang nakatutok sa aircon at naghihintay ng oras.

maaga. maaga akong pumasok, labinlimang minuto bago mag alas-nuebe ay binaybay ko na ang kalsadang may halos apat na taon at ilan libong beses ko na ring nilalakaran. nakakapagod.
maaga. maaga akong dumating sa st. raymund's building, alas-nuebe en punto ay papasok na ako sa loob. sinalubong ako ng isang kapwa estudyante sa agham pampulitika, at sinabing "'bat andito ka? wala kayong pasok ngayong umaga. wala si martin." sinabi ko pang hindi naman kami martin ngayong umaga eh, environmental politics. 'yun pala ang asignatura ng klase nila. napahiya pa ako. hindi na lang sana ako nagsalita.

bakit walang nag-text sa 'kin? bakit hindi ko alam? kung nalaman ko ng mas maaga, hindi sana ako nagpagod. marahil natutulog pa ako ng mahimbing sa aking kama. ang sarap pa naman matulog dahil malamig ang panahon.

siguro dapat itapon ko na yun sim ko ng sun at bumili ng globe o smart para mai-chikka text ako ni ate marianne. subalit, paano ko naman gagamitin yun eh celphone nga wala pa ako at nakikigamit lang. bwisit kasi yung julie na yun eh, hanggang ngayon hindi pa binabalik yung phone ko.

maaga. umaga. kabit-kabit na pangyayari. dugtong-dugtong na kabanata ng nakalipas. asar, ayoko ng pumasok ng maaga.

No comments: