Monday, August 15, 2005

Bitag.

"Sometimes it is better that words are left unsaid, that questions are left unanswered. I learned that in life, the more you try to seek for answers, the more answers become elusive and remains beyond one's grasp. Questions and inquiries never really direct towards gratifying, satiable answers. More often than not, these answers are superficial and mediocre; and what lies beneath are more questions, more inquiries. Indeed, a mere question leads to a vicious circle of infinite, unfathomable relevant questions."

nagkita na naman tayo.
wala ito sa plano ko.
sabihin mang inasam ko rin ito.
marahil napa-aga ang lahat.
hindi pa panahon para makita kang muli.

nakakatuwa.
mas nadama ko na malapit ka.
pwede pala kitang makilala.
makilala kita - ikaw bilang ikaw.
ng walang pagkukunwari, walang pag-aalinlangan.
hindi kung sino ka sa paningin ng iba.

nakakalungkot.
may mga bagay na hindi pwedeng pag-usapan.
dapat palampasin, dapat itatwa.

siguro may gusto akong mangyari.
alam ko naman hindi pwede.
maliit ang posibilidad, walang pagkakataon.

subalit ang malaman na nariyan ka.
na pwede pala kitang makasama.
na pwede pala kitang makilala.
na pwede pala kitang masandalan.
sapat na.
salamat.

isip ang sandata ko.
alam ko na may limitasyon.
natatanaw ko ang hangganan.
napupuna ko ang dapat.

walang pag-aalinlangan.
hindi ako mahuhulog sa bitag.
hindi ako matitinag.
hinid ako patitinag.

No comments: